Saturday, April 30, 2011

Tuesday, October 26, 2010

Sunday, October 10, 2010

Baka Sakali

Minsan kahit alam mo na iyong mangyayari, kahit na alam mong malamang sa hindi papalpak at hindi uubra, mas maganda pa rin na ginawa mo iyong isang bagay kaysa patuloy mong iisipin na"paano kung sa paglalaro ng pagkakataon iyong taliwas sa inaasahan iyong mangyari?" Mahirap matahimik kung patuloy mong sasabihin sa sarili mo, "baka sakali kung ginawa ko ito iba ang nangyari."

Saturday, July 17, 2010

Ang Pag-ibig Parang Bus Trip

Muling paglimbag mula sa: http://kuyamac.tumblr.com

Ang Pag-ibig parang Bus trip:
1. Minsan liko-liko ang daan
2. Minsan may stop over
3. Nasa dulo ang huling Destinasyon

PS. Kapag nakarating ka na sa Destinasyon mo wag ka nang bumalik sa stop over. Magulo, mahirap at nakakahilo ang paliko-likong daan…

Monday, July 12, 2010

Bahala Na

Bakit ko nga ba ginagawa ito? Siguro kasi napapagod na ako sa sarili ko na lagi na lang natatakot at naguguluhan. Gusto kong masabi na kahit papaano’y may ginawa akong hakbang. Na anuman ang mangyari mas kaya kong tanggapin dahil alam ko na may nagawa ako.

Paulit-ulit kong sinasabi na takot na akong masaktan, at higit kong ikinakatakot ang makasakit ng iba. Pero may mga bagay na kahit ayokong mangyari, kung talagang mangyayari hindi ko kayang pigilan. Bakit ako magpapaparalisa sa takot ko kung ganun naman pala? Bakit ko hahayaang lalong wala akong patutunguhan dahil natatakot ako?

Natatakot akong masaktan… Pero kung tutuusin hindi ko pa man nararamdaman ang nararamdaman ko ngayon, nasaktan mo na ako. Hindi mo man sinasadya, isa ka sa mga puwersang gumalaw sa mga pangyayaring nagdulot ng matinding sakit sa akin.

Pero sa kabila noon, naging mahalaga ka sa akin at ayokong gumawa ng kahit anong maaring magpalayo sa’yo sa akin. Pilit kong pinigilan na mahulog ang loob ko sa’yo. Nagawa ko ng isang beses, sa pangalawa sumablay na. Pasaway na nga ako, tapos madali ka pang gustuhin.

Puwede naman kitang diretsuhin, pero hindi ko kayang tuluyang iwaksi ang takot. Dito ko na lang sasabihin, magbabakasakali akong mababasa mo ito.

Sana walang mangyaring hindi maganda matapos kong gawin ito. Wala akong gustong mangyari. Wala naman akong hinihiling mula sa’yo. Wala akong igigiit na kahit ano sa’yo. Gusto ko lang na masabi ito.

Hindi ko rin naman sigurado kung makukuha mo na ikaw ang tinutukoy ko. Malay ko ba kung manhid ka. Hindi ko rin alam kung paano ko malalaman na nabasa mo ito. Pero sana maipaalam mo sa akin, para naman malaman ko kung nauwi lang ba sa wala itong ginawa ko

Thursday, June 17, 2010

Paglilinaw

Nais ko lang linawin na hindi sayo umiinog ang mundo ko. Hindi lahat ng sinusulat ko ay para sayo. Hindi lang ikaw ang mahalagang tao sa buhay ko. Tigilan mo na ang pagmamalaki mo. Simula't sapul hindi ganoon katindi ang pagkahulog ng damdamin ko para sayo.

Wednesday, June 2, 2010

Nakakapagod at Nakakasawa

Lahat naman ng bagay nakakapagod kung paulit-ulit lang at walang pinapatunguhan. Hindi naman iyong mismong akto ng pagmamahal ang nakakapagod at nakakasawa. Iyong paulit-ulit na sakit iyong nakakauta. Iyong kahit kung anu-ano ng paraan ginawa mo hindi pa rin uubra, iyon iyong uubos ng pasensiya mo. Lahat naman may hangganan eh.