Thursday, June 17, 2010

Paglilinaw

Nais ko lang linawin na hindi sayo umiinog ang mundo ko. Hindi lahat ng sinusulat ko ay para sayo. Hindi lang ikaw ang mahalagang tao sa buhay ko. Tigilan mo na ang pagmamalaki mo. Simula't sapul hindi ganoon katindi ang pagkahulog ng damdamin ko para sayo.

Wednesday, June 2, 2010

Nakakapagod at Nakakasawa

Lahat naman ng bagay nakakapagod kung paulit-ulit lang at walang pinapatunguhan. Hindi naman iyong mismong akto ng pagmamahal ang nakakapagod at nakakasawa. Iyong paulit-ulit na sakit iyong nakakauta. Iyong kahit kung anu-ano ng paraan ginawa mo hindi pa rin uubra, iyon iyong uubos ng pasensiya mo. Lahat naman may hangganan eh.

Sa'yo

Alam mo iyong kantang "Sa Kanya"? Minsan naiisip ko ginawa para sa akin iyon. Ganoon kasi nararamdaman ko para sa'yo. Kaya lang nakakapagod na talaga eh. Nakakasawa na. Alam ko namang hindi ka na babalik kahit ano pang gawin ko. Ilang beses ko na bang sinabing ayoko na? Kaya lang, mahal pa rin talaga kita. Panalangin ko na nga lang ay matuto akong magmahal ng iba ng higit sa pagmamahal ko sa'yo.