Saturday, January 9, 2010

Paunang Salita

Matagal na rin mula ng nagsulat ako ng isang buong akda sa wikang Filipino. Bagaman nagsimula ang una kong blog na nasa wikang Filipino ang lahat ng nakalimbag, sa pagdaan ng panahon ay nahaluan na ng Ingles ang mga nakasulat dito. Ang blog na ito ay pagtatangka upang muling magsulat sa wikang Filipino.