Tuesday, September 2, 2014

Taguan

Naghahanap ako ng matataguan. Kahit saan, basta hindi mo ako makikita. Kahit anong sulok siguro susuutan ko. Sa likod ng ganito, sa ilalim ng ganito, basta wala sa paningin mo. Ayokong makita mo ako.

Pero ikaw ba talaga iyong taya? Nagbibilang ka ba? Hinahanap mo ba ako?