Ang parirala ay lipon ng mga salita na walang kumpletong diwa.
Ang pangungusap ay lipon ng mga salita na nagpapahayag ng buong diwa.
Ang aking buhay ay samu't saring pangungusap at parirala.
Simple lang naman ang gusto ko, ang mapatunayang mali ka. Sabi mo walang babaeng makakatagal sayo. Gusto kong patunayang hindi iyon totoo. Gusto ko na maging iba ako sa mga nakilala mo. Pero napapagod na yata ako, nagsasawa na ako. Baka nga tama ka.